moonlit

Name: Patrick
Age: 18
School: PLM
Hobbies: Internet
Interests: Friends
About me: See posts


whisper a wish





hijack a shooting star

masci forum
camille
nephele
liezl
carlo
anna
nika
edknell
katz
ryle
louis
ph
jelo
enri
rhoiz
cean
minnelle
thea
goldi
Jen

never never land

April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
March 2007
April 2007
June 2009

credits

designer Dancing Sheep
resources   1   2   3
Tuesday, June 16, 2009

Blog Revisited again? New Story!!!

ohh.. its nice to be back.. nde ata ako nag post dito for over 2 years.. ngaun ko lang kasi naalala to.. anyways.. sa tagal ng panahon na nde ko nagalaw to.. maraming nangyari sa kin..

well.. nung naka tungtong ako sa college, that was 2 years ago, nakakilala ako ng isang babae, name nya Mich.. xa ung unang babaeng minahal ko tlaga.. pero dahil sa nde tlaga kami maxado nagkakasundo nung kami ay magkasama, umalis xa sa tabi ko.. T_T..

after nun, inaway ko xa, nagkagalit kami.. as in galit galit.. so mula noon, nde kami nag uusap.. until 1 time, nag sorry ako sa kanya, march 1, 2008 ata un.. pinatawad naman ako.. well after that, umalis xa patungong PMA.. so ayun, wala na ko nagawa tungkol saming dalawa ulet..

noong bumalik xa ng september 2008, nagkita kami sa PLM, ayun, nagbatian lang kami pero nde nag usap.. akala ko kasi wala na ko feelings sa kanya.. so after nun, nde na kami nagkita ulet, until nakakuha ko contact nya nitong feb 2009.. nagkausap ulet kami.. inakala kong pwede kami ulet nung panahon na un.. kasi wala naman xa nababanggit na meron xa noon.. until nung ininvite nya ko sa bday nya ng april 2009, doon pinakilala sa akin ung BF nya.. hays.. T_T..

akala ko ok na pero nde pala.. mahigit 1 year ko xa inintay ulet pero nasayang lang.. pero baka magkita ulet kami after a year or so.. ewan ko na lang kung ano gagawin ko..

hanggang dito na lang muna..

til next time......

(12:20 AM)


Wednesday, April 18, 2007

Magaling na ako, wala na akong sakit..

sa wakas, natapos na rin ang walang tigil kong pag-ubo, nagka abs na nga ako dahil doon eh.. haha.. kapani-paniwala ba? kani-kanina lamang nawala nang tuluyan ang aking ubo.. sayang nga eh, kung ala akong sakit noon, nakasama ako sa celebration ng bday ni goldie.. e2ng ubo na e2, noon pa eh.. nung nahawa ako kay marv-vic dati.. noong march pa.. err.. tapos binaliwala ko, ayan, lumala.. tapos nag night swimming pa ako noong outing.. pag-ahon, sobra lamig.. ndi agad nagpunas.. haha.. pero ayan, nakaraos din.. ang masaklap nga lang, basag boses ko ngaun.. sa tingin ko, mga 3 weeks bago gumanda ulit boses ko.. haha.. err..

(7:44 PM)


Friday, April 13, 2007

Wala ako napala..

wala akong napala sa outing ng faraday.. puro pagpapakaEMO lamang ang ginawa ko ng dalawang araw.. pinilit kong iwasan ang dapat kong iwasan.. bukod pa sa wala akong napala, nabasag pa boses ko dahil sa videoke.. kinanta ko ang "Tsinelas" tapos uminom ako ng malamig na tubig..

(8:01 PM)


Sunday, April 08, 2007

Outing, sasama o hindi?
.
Ang dating IV - Faraday ay magkakaroon ng outing sa Calamba, Laguna sa darating na Abril 10, 2007 hanggang Abril 11, 2007. Pinag-iisipan ko kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Nagdadalawang isip ako. Parang nahahati sa dalawa ang aking sarili, ang isa ay gustong sumama dahil sa kasiyahan at mga kaibigan, at ang isa naman ay ayaw sumama dahil sa gustong makalimot.
.
Err.. amp.. bakit ba ako nagkakaganito? bangag na yata ako.. hehe.. ano ba ang magandang desisyon? Sa tingin ko dapat akong sumama.. masaya rin siguro ako dun.. alam ko na.. sa mga oras na un, magpapatulong na ako sa paggawa ng pangatlong kanta.. ito ay ang "I Can't Forget" sa tingin ko naman, magagawa namin un sa loob ng anim na oras.. tama.. sasama na lang ako.. err..

(3:04 PM)


Friday, April 06, 2007

I Can't Forget
.
Nahihirapan akong mag move-on. Kagabi, April 5, 2007 midnight, napanaginipan ko siya. Nakita ko na naman yung nangyari nung grad ball. Hindi ko makalimutan talaga. Sa tingin ko nasisira na ang ulo ko. Love ba ito? O obsession? Ayoko na. Gusto ko na kalimutan agad. Pero bakit parang ayaw ko pa? Kanina lamang, tinitigan ko ung mga pictures niya na nasa photobucket ng Faraday. Sinave ko ang lahat ng mga iyon sa PC ko. Tinitigan ko ang mga iyon hanggang sa maduling ako. Ayoko na talaga. Lalo nang masisira ang ulo ko.
.
Pipilitin ko na lang na makalimutan ang lahat. Idadaan ko na lamang ang mga ito sa paggawa ng kanta. May dalawa na akong nagawang kanta. Lahat tungkol dito, mula nung una pa lamang. Pinamagatan ko ang mga ito ng: "Listen" at "You Drove This Blade Straight To My Heart." Siguro ang susunod kong gagawing kanta, papamagatan kong "I Can't Forget." Ganun talaga, dahil hindi ko makalimutan. Hindi siya talaga siguro para sa akin. Maghihintay na lamang ako, hanggang sa may lumapit sa akin at sabihin sa akin "maaari mo ba akong isayaw ngayong gabing ito?" Parang ganun ang theme. Maaari ko na ring gawing pamagat ng ikaapat na kantang gagawin ko.

(12:29 AM)