moonlit

Name: Patrick
Age: 18
School: PLM
Hobbies: Internet
Interests: Friends
About me: See posts


whisper a wish





hijack a shooting star

masci forum
camille
nephele
liezl
carlo
anna
nika
edknell
katz
ryle
louis
ph
jelo
enri
rhoiz
cean
minnelle
thea
goldi
Jen

never never land

April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
March 2007
April 2007
June 2009

credits

designer Dancing Sheep
resources   1   2   3
Friday, June 30, 2006

Di Kapanipaniwalang Pagkapanalo

Kanina, naglaro kami ng dota sa paco pc. Nagkaroon kami ng isang 5 on 5 game.... halo halong section vs. franklin ...... ang team ng sentinel ay binubuo nina: rillera, edmark, timmons, jeoh, erson.... ang team scourge naman ay binubuo nina: ako, fojas, arvin, ulita, ryan....
.
Sa line up pa lang, lugi na kami. Power house kasi sila eh... amp... sa una lugi kami dahil pang late game kami lahat (magina, atropos, akasha, lesalle deathbringer, crixalis) .... nalugi kami sa push dahil hindi naman maxadong malakas ang gamit namin sa early at mid game... ako pa nga ang nagpakain sa umpisa... na first blood! ako... aw! ngunit nang mabuo ko ang lahat ng items ko... (power threads, 2 cranium basher, hyperstone, aegis of the immortal, at isang bracer) hirap na silang patayin si magina... ngunit di ako madalas gumagamit ng mana void... un ang problem ko... pero naka mega kill naman... hahaha! sa bilis naman ng atake ko eh.... sunod sunod stun... aw!
.
nagkaroon pa kami ng pagkakataong manalo dahil lahat kami ay nakabuo ng magagandang gamit... noong una ay inakala naming matatalo kami dahil puro illusions sila.... halos lahat ay dumadami.... ngunit nagkaroon kami ng isang strategy... un ang nagpanalo sa amin.... di kami makapaniwala dahil sa panalong iyon.... nakatapat na namin ang mga dota gods... pero pinalad pa rin kami... ahaha... salamat sa strategy ni fojas.... ahaha!

(6:37 PM)


Tuesday, June 27, 2006

Torpe? o Takot?
.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung torpe ako o takot kay alam na! Sa tuwing makikita ko siyang dumadaan sa harap ko, wala man lang akong magawa. kahit na tinutulungan na ako ng iba, hindi ko pa rin makausap sa personal.
.
Torpe ba ako sa dahil hindi ko kayang kausapin o takot dahil sa baka tumaas ang kanyang isang kilay.
.
Minsan ay binalak kong lapitan at kausapin. Sinabi ko pa kay Bryan na kakausapin ko siya. Ngunit noong makita kong may sinusulat siya, bigla akong umatras, baka kasi magalit kapag inistorbo ko. GC kasi eh. Bigla akong kinabahan noong araw na iyon. Hindi ko na tuloy siya nakausap. Kaysa sa nasabi ko ang gusto kong sabihin, tiningnan ko na lang sa kanyang mga mata. Aw! Hoof Stomp! Bigla na lamang ako hindi nakagalaw.
.
May mga nagsasabi na isa akong torpe, ang iba naman ay sinasabihan akong takot sa kanya. Ano ba talaga? TORPE? o TAKOT? Aw!

(10:10 PM)


Saturday, June 17, 2006

Dream Team ang FARADAY
Magmula nang magsimula ang klase nagyong taon, nalaman ko na ang section na napasukan ko ay masaya. Marami ditong marunong magDOTA, magaling magbasketball, maiingay, at magaganda.
....
Dito, nalaman kong dalawa ang maaaring mabuong DOTA team, na maaaring pamunuan ni Jermaine Luis Agnasin. Sasanayin kami ni Jelo na maglaro ng DOTA bilang isang Grupo. Tinuturan niya ang bawat isa ng mga istratehiya para gumaling maglaro. Kung pagmamasdan ang Faraday, makikita kaming laging nag-uusap tungkol sa DOTA. Nagkukwentuhan tungkol sa kung ano nangyari habang kami ay naglalaro. Noong nakita kong maglaro si Jelo, namangha ako dahil sa kagalingan niya. Gusto ko siyang talunin ngunit malabo yatang mangyari iyon. Isa pa, lahat ay magaling maglaro at may mga taktika. Sa mga laban, namumuno lagi si Jelo. Nang maging kakampi ko siya, natuto akong makipagsapalaran sa grupo. Magaling siyang mag-utos sa laban kaya madalas na nananalo ang team na hinahawakan niya. Idolo ko si Jelo, sana matapatan ko rin siya balang araw.
....
Noong nakaraang Biyernes naman, naglaro kami ng basketball kasama ang mga magagaling sa ibang section. Lima kaming Faraday na sumali: ako, Bryan, Jarold, Takyo, at Marv-vic. Ang mga nakasama ko ay magagaling maglaro, hindi tulad ko. Idolo ko si Jarold dahil sa kanyang angking galing. Magaling na siyang magdala ng bola, magaling pang tumira, palaging pasok. Si Takyo rin ay magaling maglaro. Tumayo siya bilang sentro ng team. Malakas siya sa rebound, mahirap sabayan ang mga galaw niya. Si Bryan din ay magaling maglaro, kahit small pero terrible. Magaling mang-agaw ng bola at magdala. Ganun din si Marv-vic. Magaling siyang magdala ng bola, tumayo siya bilang guard ng team. Ang mga tira niya ay halos laging pasok. Ang masasabi ko lang sa sarili ko, hindi magaling, marunong lang. Matagal na akong hindi naglalaro, ngunit kaunting panahon lamang, masasabayan ko na rin ang apat na yan. Magsasanay akong muli.
....
Marami ring maingay sa amin, kaya laging masaya. Halos lahat sa amin ay komedyante. Ang bawat salita ay nakakatawa. Si Jep pa lang, matatawa na lahat. Isama pa ang pangalan ni Allister. Basta sabihin na "Si Allister po," tatawa na lahat. Madadagdagan pa ng ingay ang Faraday dahil sa mga nag-uusap tungkol sa DOTA. Isama pa ang usapan ng mga babae. Lalo pang magiging masaya at maingay siguro kung lahat kami ay magiging malapit sa isa't isa.
....
Lalo pang naging masaya dahil sa madami ang magaganda sa Faraday. Ayoko na ilagay pa ang pangalan nila. Ngunit magsisilbi silang inspirasyon sa mga lalake. Peace tayo. Nagsasabi lamang ako ng reaksyon ko sa post na ito.

(10:53 PM)


Friday, June 09, 2006

A Friend to Keep
By: myself (sorrow17)

As the stars pierce the sky
And the sheets of calendar run dry
Friendship of us becomes stronger
Happiness of mine will last longer.

Smiles of you touch my heart
Mine learning the loving's art
Friend of truth is all I have
The only one who shows love.

If thy heart feels no good at me
Myself will have happiness free
Crying without tears I feel all night
Hopeless heart can never fight.

As thou forgive the bleeding heart
Loneliness and myself will tear apart
Lost hope will come back to me
Feeling the presence of a friend like thee.


rush mode men! di aq nakinig sa physics para lang dyan!!!

(10:29 PM)